HECTOR'S ADVENTURES (Chapter 04 - Birthday Gift)
Hector gives a very special gift to a young lady on her birthday.
This is a work of fiction. Names, characters, events, and incidents are the products of the author’s imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
-----
“I hate you Mike! I hate you!” Sa sobrang galit ni Diane ay muntik na niyang maihagis ang kanyang smartphone. Unti-unting nahilam ang kanyang mga mata dahil sa mga luhang nagsimulang umagos mula dito.
Ngayong araw ang ikalabing-walong kaarawan ng dalaga. At dahil espesyal ang araw na ito, isang magarbong party sa isang sikat na hotel ang inihanda ng kanyang mga magulang at mga kaibigan para sa kanya. Ang kanyang nobyo, si Mike, ang magiging escort dapat niya sa gabing ito. Sa katunayan, pababa na si Diane mula sa condominium na kanyang tinitirhan, hinihintay na lamang niyang huminto ang elevator na maghahatid sa kanya sa ibaba. Susunduin siya dapat ng nobyo at sabay silang pupunta ng hotel.
Ngunit nabigla siya sa biglang pagtawag ng binata. At imbes na isang pagbati para sa kanyang kaarawan ay isang napakasakit na balita ang hatid ito.
“I’m sorry Diane…I’m really sorry…” Naririnig pa rin ng dalaga ang mga binitiwang salita ng nobyo. Nakikipag-break na ito sa kanya. Dalawang taon ding naging magnobyo ang dalawa. Ngu...
What's Your Reaction?
Due to the nature of this site, you must be logged in to react.





